Sunday, February 3, 2013

Higanteng si Eleyna


Papakilala kita kay Higanteng Eleyna. Siya ay trese anyos na dalagita. Mabait ang puso ni Eleyna ngunit parati siyang kinakatakutan dahil iba sa anyo niya at kasing laki niya ang mga bundok na nakapalibot sa lugar nila.

Lumalayo si Eleyna sa lugar nila dahil takot sakanya ang mga tao. Ang hindi naman alam ng mga tao ay mas takot pa si Eleyna na masaktan niya ang mga tao.

Kaibigan niya ang lahat ng hayop sa tabing gubat dahil doon lang siya komportable at sila lang ang nakakaunawa kay Eleyna.

Alam ng mga hayop ang istorya ni Eleyna. Na hindi dating kakaiba at nakakatakot ang Higanteng si Eleyna..